
GRADE 1 MUSIC
Grade 1 Music 1
Teacher-Broadcaster: Romarie B. Punongbayan
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagkakaiba ng Tunog at Katahimikan
Ang araling na ito ay naihanda upang makilala ang mga bagay sa paligid natin na may tunog at walang tunog at katahimikan
Sa pamamagitan ng mga kasanayan sa modyul na ito, inaasahang makikilala mo ang pagkakaiba ng tunog at katahimikan na nasa paligid na may kaugnayan sa musika
Pagkatapos ng mga kasanayan , inaasahang makikilala nang wasto ang kaibahan ng tunog at katahimikan. (MU1RH-1a-1)
Unang Markahan – Modyul 2:
Ugnayan ng Tunog at Katahimikan sa mga Larawan sa Hulwarang Ritmo
Sa paligid natin, may mga bagay na may tunog at katahimikan. Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga kasanayan ay magbibigay kasiyahan upang ganap na maunawaan ang kaugnayan ng larawan na may tunog at katahimikan na nakapaloob sa hulwarang ritmo.
Pagkatapos ng mga gawain sa araling na ito, inaasahang naiuugnay ang tunog at katahimikan sa mga larawan sa hulwarang ritmo. (MU1RH-Ib-2)
Unang Markahan – Modyul 3:
Sukat ng Pulso
Matutukoy sa araling ito ang mga sukat ng pulsong dalawahan, tatluhan at apatan
Unang Markahan – Modyul 4:
Paglalapat ng Ostinato sa Paggawa
Ang araling ito ay naihanda upang makabuo ng hulwarang ritmong ostinato sa pamamagitan ng iba’t ibang kilos ng katawan.
Sa pamamagitan ng mga inihandang kasanayan, inaasahang ikaw ay makabuo ng ostinato ng may kasiyahan.Pagkatapos ng mga kasanayan sa modyul na ito, inaasahang makabuo ng payak na hulwarang ritmong ostinato sa dalawahan (2s), tatluhan (3s) at apatan (4s) sa pamamagitan ng ibat-ibang kilos ng katawan. (MU1RH-Id-e-6).

Grade 3 - Mother Tongue-Based Multilingual Education
Grade 3 MTB-MLE TAGALOG

Grade 3- Araling Panlipunan
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
Katuwang sa pagkamit ng layuning ito ay ang pagsunod sa teorya sa pagkatuto na kontruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto at ang paggamit ng mga pamaraang tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal, pagsisiyat, intregratibo, interdesiplinaryo at multisiplinaryo. Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina.
Mula sa unang baitang hanggang ika-labindalawang baitang, naka-angkla (anchor) ang mga paksain at pamantayang pang-nilalaman at pamantayan sa pagganap ng bawat yunit sa pitong tema: I) tao, kapaligiran at lipunan 2)panahon, pagpapatuloy at pagbabago, 3) kutlura, pananagutan at pagkabansa, 4) karapatan, pananagutan at pagkamamamayan 5) kapangyarihan, awtoridad at pamamahala, 6)produksyon, distibusyon at pagkonsumo 7) at ungnayang pangrehiyon at pangmundo Samantala, ang kasanayan sa iba’t-ibang disiplina ng araling panlipunan tulad pagkamalikhain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya , pagsasaliksik/ pagsisiyasat, kasanayang pangkasaysayan at Araling Panlipunan, at pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigan pananaw, ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at pagkatuto ng mag-aaral sa paraang expanding.
Sa ibang salita, layunin ng pagtuturo ng K-12 Araling Panlipunan na malinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung pangkasaysayan,
pangheograpiya, pampulitika, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan upang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay (Pillars of Learning).
Binibigyang diin sa kurikulum ang pag-unawa at hindi pagsasaulo ng mga konsepto at terminolohiya. Bilang pagpapatunay ng malalim na pag-unawa, ang mag-aaral ay
kinakailangang makabuo ng sariling kahulugan at pagpapakahulugan sa bawat paksang pinag-aaralan at ang pagsasalin nito sa ibang konteksto lalo na ang aplikasyon nito
sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan.

GRADE 3- ARTS

Grade 3- Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog
sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito
na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan
(macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili
at Mabuting Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d)
Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan.

Grade 3-Arts
Ang mag-aaral ay inaasahan na mauunawaan ang mga linya,hugis,kulay,tekstura,at balanse sa pagguhit.

Grade 4 - Filipino
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang
maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.

Grade 4 Edukasyong Pangkalusugan (Health)

GRADE 5 SCIENCE
QUARTER 1: This Quarter is all about matter. Particularly the different properties of the material that can make useful or harmful to us. This quarter would also tackle the changes in matter due to oxygen and heat.
Properties of matter can be classified as physical or chemical. Physical properties can be observed without any changes in its composition such as hardness, brittleness, and malleability. On the other hand, Chemical properties are characteristics that can only be observed when the composition of material has changed.
Matter undergoes changes. This can be physical change or chemical change. Physical change happens when material changes its size, shape, or form. when the composition of the material is altered, chemical changes occur.

Grade 6 - Mathematics
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Maecenas porttitor congue massa. Fusce posuere, magna sed pulvinar ultricies, purus lectus malesuada libero, sit amet commodo magna eros quis urna.

GRADE 7 - MUSIC and ARTS

Grade 7 - Physical Education
The learner demonstrates an understanding of personal fitness in achieving an active lifestyle.

Grade 7 Mathematics
The learner demonstrates understanding of key concepts and principles of numbers and number sense (sets and real number system); measurement
(conversion of units of measurement);patterns and algebra (algebraic expressions and properties of real numbers as applied in linear equations and
inequalities in one variable); geometry (sides and angles of polygons); and statistics and probability (data collection and presentation, and measures
of central tendency and variability) as applied - using appropriate technology - in critical thinking, problem solving, reasoning, communicating, making
connections, representations, and decisions in real life.

Grade 8 - Filipino
Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.